Sa bisa ng DILG Memorandum Circular (MC) 2023-068, tungkulin ng Sangguniang Kabataan na bumuo ng SK FULL PUBLIC DISCLOSURE (SKFPD) POLICY BOARD at ilatag ito sa tatlong (3) hayag na lugar sa barangay, gayundin sa social media page o website ng SK. Layunin ng nasabing direktiba na tiyaking may akses ang bawat kabataan sa lahat ng dokumento ng konseho.
Bilang tugon sa hamon ng tapat na paglilingkod, malugod naming nilalahad ang aming SKFPD Policy Board: