Ang ANNUAL BARANGAY YOUTH INVESTMENT PROGRAM (ABYIP) ay ang isang taong plano na patuloy na binabalangkas ng Sangguniang Kabataan taun-taon. Ito ay akma sa kung ano mismo ang nakalathala sa Comprehensive Barangay Youth Development Plan (CBDYP). Ang ABYIP ay naglalaman ng mga partikular na programs, projects, and activities (PPAs), panahon ng implementasyon, at kinakailangang pondo. Gaya ng CBYDP, umiikot ang programa sa 10 Centers of Youth Participation para mas maging tiyak naman ang paglahok ng kabataan sa pamamahala.
Ang ABYIP ba ay katumbas ng annual budget?
Hindi. Ang Annual Barangay Youth Development Plan o ABYIP, bagamat mas operational sa CBYDP, ay iba pa rin sa Annual Budget. Kahit pareho ang timeframe ng dalawa na pang-isang taon lamang, ang ABYIP ay mas tinuturing bilang taunang plano habang ang Annual Budget ay mas tinuturing bilang legal financial document na naglalaan ng tiyak na pondo. Maaaring sabihing nagsilbing gabay o pinagbatayan ng Annual Budget ang nilalaman ng ABYIP na bahagi naman ng CBYDP.