Ang COMPREHENSIVE BARANGAY YOUTH DEVELOPMENT PLAN (CBYDP) ay ang tatlong taong plano na binalangkas ng Sangguniang Kabataan para sa isang buong termino ng pamumuno. Ito ay sumailalim sa konsultasyon at sinang-ayunan ng Katipunan ng Kabataan. Ang CBYDP ay nakaangkla sa Philippine Youth Development Plan (PYDP) at Local Youth Development Plan (LYDP) ng lalawigan at siyudad o bayan. Umiikot ang plano sa 10 Centers of Youth Participation para mas maging komprehensibo ang paglahok ng kabataan sa pamamahala.
Ang CBYDP ba ay katumbas ng annual budget?
Hindi. Ang Comprehensive Barangay Youth Development Plan o CBYDP ay mas strategic kumpara sa Annual Budget. Ibig sabihin nito ay mas malawak ang sakop o mas mahaba ang timeframe ng CBYDP dahil ito ay tatlong taong plano habang ang Annual Budget ay pang-isang taon lamang. Maaaring sabihing nagsilbing gabay o pinagbatayan ng Annual Budget ang nilalaman ng CBYDP.